Happy 2nd Monthsary Beb! <3 

Beb, 2 months na tayo. Ang bilis. Parang kelan lang nung sobrang down ako tapos ikaw at si Steve yung madalas kong nakakasama.. Hanggang sa mag-simula na tayong mag-txt ng madalas. Nagiging madalas tayo nagkakasama.. Sa sobrang pagkukulitan natin, biglang napalakas trip natin sa pagtatawagan ng “BEB” tapos yun pala nagkaka-gustuhan na tayong dalawa.

Sa 2 months, medyo marami na rin tayong pinagdaanan… May mga taong nanghihimasok sa relationship natin na nagiging dahilan ng away. Pero ang maganda satin, hindi natin hinahayaan matapos yung araw na hindi tayo nagkaka-ayos.

Beb, for sure alam na alam mo na kung gano kita kamahal. Walang araw na hindi ko sinasabi yun sayo.

Sobrang thankful ako na ikaw yung boyfriend ko. Lagi kang nandyan para sakin. Naalala ko pa nga nung napilayan ako.. Nung hindi talaga ako makagalaw/makalakad dahil napilay yung paa ko. Gustong gusto mo na mag-skip sa school para lang mapuntahan ako sa bahay. Pero sinabi ko sayo na mag-stay ka sa school tapos ang ginawa mo, after school dumeretso ka kagad sa bahay para alagaan ako. Tapos, kahapon nagka-problema ako kay mommy. Iniyakan ko yung mga masasakit na mga sinabi nya. Alam mong hindi ako okay at kahit busy ka sa paglilipat nyo ng bahay… ako pa rin yung inaalala mo at gumawa ka ng paraan para mapuntahan ako ng maka-siguradong okay ako. Walang araw na hindi mo pinaparamdam sakin kung gano mo ako kamahal.

Basta beb lagi mong tatandaan na hinding hindi kita iiwan. Masaya ako sayo at sobrang mahal na mahal talaga kita.

&& Without you, I’m incomplete.

HAPPY 2nd MONTHSARY :)



♥ | Apr 1st at 12AM # Reblog it